Uncategorized

May Forever ba o wala?

Nag-iisip ako kung bakit sa pangalawang pagkakataon naging BEST PICTURE ang isang RomCom sa MMFF.Pero naalala ko, sobrang nagandahan din pala ako sa “Silver Linings” na nanalo rin ng maraming awards.

 

Kaya pinanuod namin ng mga kaibigan ko ang “#Walang Forever” kasi gusto naming maranasan yung nakita ng mga pumili sa pelikulang ito bilang Best Picture.

 

(Napanuod ko ang “Honor Thy Father” at hindi ako maghuhusga kung ano ang mas maganda pero masasabi ko na parehas silang may karapatan na mapabilang sa TOP 3 best films kahit pa magkaiba sila ng genre or linya ng pelikula.)

 

MAGANDA AT MASARAP PANUORIN ANG #WALANGFOREVER DAHIL:

 

  1. RomCom ito. Dahil bakasyon at masarap mag-relax, masarap manuod ng RomCom dahil feel good movie  nga gaya ng mga nahuhumaling sa AlDub at OTWOL. Napatunayan ko dahil halos lahat ng audience sa sinehan, bumenta ang mga punchlines at hugotlines ng mga characters.
  2. Magaling ang acting. Para ngang natural lang ang mga characters. May mga “asides” at mga linyang pamilyar sa mga manunuod. Mejo nag-expect din ako ng mala-Bea at John Lloyd pero naintindihan ko naman na bilang aktor, iba rin naman ang estilo ni Jenylyn at Jericho at gusto ko kung pano nila ginampanan ang roles nila.
  3. May istilo ang paghabi ng kwento. Maganda yung konsepto ng mga eksena at pati ang kwento mismo kahit na medyo “cliché” ang twist sa bandang dulo. Pwede na ding patawarin ‘yon kasi pwede naman kasing ganun ang “conflict” ng character/s at kakaiba naman din ang dating sa manunuod. Para kasing joke lang, totoo na pala.
  4. Nakakatawa. Sobrang nakakatawa lalo na yung mga awkward scenes ng barkadahan. Ang ganda ng pagkakakuha. Nakakatawa din yung scene sa coffee shop. Nakakatawa si ateng mataba at halos lahat sila nakakatawa.
  5. Maganda yung ideya ng pagpapalawak ng pelikula sa konsepto ng walang forever. May forever nga ba o wala? Magaling.

 

Sana sa susunod na taon, kahit hindi MMFF, may mga pelikulang ganto para kahit papano nakakatawa at nakakatuwa naman.

 

Ahem, may forever!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s