article

Tatlong Levels ng Paglaban

Sa Septic Tank Movie ko natutunan na may tatlong levels ng acting at tatlong levels ng hugot. Kaya habang tinatawag ako ng antok, naisip ko… May tatlong levels din siguro ng pakikipaglaban. Paano nga ba tayo lumalaban sa bawat pagsubok at hamon?

 

Una, ‘yung level na mema lang. Memasabi lang na nakikipaglaban. ‘Yung pakikipaglaban na idinadaan sa post sa social media. ‘Yung tipong ang tagumpay ay makakamit sa dami ng likes or nagcomments. Hindi mo sure in real time kung nakikipaglaban ba talaga sya sa kinakalagyan nyo o nakaharap lang s’ya sa computer. Ito ‘yung dama lang ang pakikipaglaban pero madalas kulang sa gawa. Pwede ring sinasabi sa iba ang mga plano. Pero ang masaklap, hanggang plano lang.  Madalas nagpapahinga or nagpapakasarap hanggang magugulat na lang tapos na pala ang laban. Kadalasan sila ‘yung natatalo, bumabagsak, at sa dulo sila ‘yung magsasabi nang “Sana…” “Sayang…” “Kung ginawa ko lang sana…” Andun na sana kaso hanggang dun lang.

 

Pangalawa, ‘yung level na  lalaban para lang masabing lumaban. Kikilos ngayon, mamaya hindi. ‘Wag lang talaga masabing wala kang ginawa. Eto ‘yung matalo o manalo, at least lumaban. Malaki man o maliit ‘yung effort basta meron. Kadalasan sila ‘yung nanalig lang sa kapalaran. Bahala na kung ano mangyari basta may binigay, basta lumaban. Minsan andyan, minsan wala.  Kapag hindi sila nanalo sa laban, sila ‘yung magsasabing “Muntik na…” “Ayos lang, lumaban naman ako…” Hindi mo sila masisisi pero sayang…

 

Pangatlo, ‘yung level na lumalaban na ibibigay mo ang lahat mo kahit maubos ka. ‘Yung tipong pagod na pagod  ka na. Hirap huminga. Hirap makakita. Puyat. Gutom. ‘Yung tipong ang mundo ay tinutukso kang tumigil at sumuko, pero hanggang sa huling hininga at sa bawat tibok ng puso mo, alam mong matatapos mo. Alam mong sa dulo, mananalo ka. Bawat panalangin ay may kalakip na pagtitiwala. Kasi ibinigay mo ang lahat at wala kang itinira. Sila ‘yung buwis buhay. Ibigay mo na ang lahat kasi baka huli na ‘to. Baka wala ng second chance.  Kadalasan, sila ang tunay naman talagang lumalaban. Sila ‘yung babalik kung saan sila nanggaling at maaalala nila na kahit gaano kahirap, kahit gaano katindi ng pagsubok, hindi sila nagpaanod sa agos. Lumaban sila gaano man kahirap. Lumaban sila at nakarating sa dulo.

 

Ako kaya. Saang level kaya ako?

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s