article · teaching

Dear Sir

Dear Sir,

 

Nagtataka po ako kung bakit sila nagkakagulo sa Senado.

Ano po ba ang pinaglalaban nila? Bakit kailangan nilang ipasa ang

libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges? Mahalaga po ba ‘yon, Sir? Ilang araw na din kasing binabalita sa TV.

Nakita ko din sa balita na marami ang nag-rarally para mapasa ang batas na ‘to. At kung totoo na ang balita na napasa na ‘to, bakit tuloy ang laban na maipatupad ito?

 

Ano ba ang labang iyon, Sir? Hindi ko pa maintindihan, Sir. Dahil ang laban ko ngayon ay gumising ng maaga para pumasok. Napuyat kasi ako kagabi sa kagagawa ng projects at assignment. Inaral ko pa ‘yung lesson sa Math. Kailangan kong magbasa ng ibang libro para lalo kong maintindihan. Ginawa ko pa ‘yung project ko sa Science. Deadline na kasi next week. Ang hirap pumasok at  gumising nang maaga, Sir. Ang bigat ng pakiramdam ko papuntang school pero pinipilit ko kasi ito ang laban ko. Pagpasok ko sa school, sinisigurado ko na may madadala ako pag-uwi. Kaya nakikinig ako sa mga guro ko. Sumasagot ako sa mga tanong at ako mismo ay nagtatanong. Hindi kasi ako kuntento ng nakaupo lang ng walang ginagawa. Kaya pasensya na Sir, kung minsan makulit din ako sa klase niyo. Kasi Sir, ito ang laban ko. Kapag minsan hindi ko maintindihan, nagpapaturo ako sa mga kaklase ko o minsan sa teacher ko mismo. Sir, mahirap mag-aral ng 8 subjects. Mahirap gumawa ng mga assignments, at totoo minsan hindi ko na kayang pagsabay-sabayin pero ang bawat laban naman ay mahirap. Kaya lumalaban ako.

 

Nag-aaral ako mabuti, Sir. Kailangan kong mag-aral mabuti kahit minsan nakakapagod. Pag-uwi ko kasi pupunta ako sa bakery ni Tita. Tutulong ako sa pagtitinda. Kailangan ko ng pandagdag sa baon at para may maibot ako kay Inay. Pito kasi kaming magkakapatid. Nagpupursigi ako dahil gusto ko magbago ang buhay ko, ang buhay namin. Kaya ginagawa ko ‘to, Sir.

 

Ito ang laban ko, Sir. Lumalaban ako para magkaroon ng makabuluhang edukasyon. Para sa akin, para sa pamilya ko, para sa bayan. Kasali na po ba ako sa mga napapanuod ko sa TV? Ito pa lang po ang maiaambag ko. Sana patuloy silang lumaban para sa edukasyon.

 

At ako naman, gagawin ko na ang bawat araw ay isang matinding laban ng aking buhay. Ang pagpasok ko sa paaralan, ang magkaroon ng edukasyon, at ang tumahak ng landas para sa magandang kinabukasan: iyan ang hahangarin ko. Iyan ang iisipin ko palagi.

 

Sir, lalaban ako. Sana ikaw din. Sana sila din.

 

 

Ang iyong mag-araal,

ANONYMOUS

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s